DUMOG pa rin ang dating ng biyaya kay Alden Richards. Bukod sa live shows, TV at movie projects, tuluy-tuloy ang pagdami ng product endorsements niya. Ang pinakabagong endorsement niya ay ang Cookie’s Peanut Butter na pag-aari ng mag-asawang Cookie at Joy Yatco ng Biñan, Laguna.

Sumakto ang pagkakakuha nila sa hottest actor ng GMA-7 na taga-Sta. Rosa, Laguna naman kaya magkababayan sila.

Ipinagmamalaki ni G. Yatco na pawang natural ang sangkap at walang kahit na anong preservatives ang Cookie’s Peanut Butter at gawang Binan, Laguna. Nag-umpisang homemade product ang Cookie’s Peanut Butter na iniluluto ni Gng. Joy Abalos-Yatco sa kanilang kusina bilang espesyal na pangregalo ng kanilang pamilya sa mga kamag-anak at malalapit na mga kaibigan lalo na tuwing holidays.

Naging instant hit ang peanute butter sa pamilya at mga kaibigan kaya nagdesisyon si Joy at ang kanyang mister na gawing negosyo upang matikman din ng mas nakararami at para makapagbigay din ng trabaho sa maraming tao.

Ang flagship products nila ngayon ay ang Cookie’s Peanut Butter, Cookie’s Cashew Butter, at Cookie’s Peanut Butter Pangluto at pati na rin ng Mani ni Cookie at Kasuy ni Cookie.

Mahalaga sa active lifestyle ni Alden ang pagiging fit at healthy. Napapanood siya araw-araw sa Eat Bulaga at naghahanda para sa isang bagong primetime TV series, at abala rin sa non-stop showbiz commitments. Isa ang Cookie’s Peanut Butter sa food choice niya.

“Gustung-gusto ko ang Cookie’s Peanut Butter. Napakasarap nito at magandang source din ito ng protein, na tumutulong sa aking maging strong at energized araw-araw. Kahit kailan kinakain ko ito – as part of my breakfast or as an in-between snack. Masaya ako at bahagi na ako ng Cookie’s Peanut Butter family,” kuwento ng aktor.

“Ang Cookie’s Peanut Butter ay isang wholesome brand para sa buong pamilya. Alden is the best celebrity to represent our brand dahil milyun-milyong mga Pilipino ang nagmamahal sa kanya dahil sa kanyang wholesome at positive na image. It is such a joy and honor to work with him in this endeavor of ours,” sabi ni Cookie.

“Sana mahalin ng bawat Pilipino ang Cookie’s Peanut Butter dahil isa itong recipe na masaya naming binabahagi para sa lahat with all of our hearts,” sabi naman ni Joy.

Anyway, bibisita si Alden sa Cookie’s Peanut Butter event sa Megamall Event Center, SM Megamall sa Abril 22.

Para sa exciting news at updates sa Cookie’s Peanut Butter at kay Alden sundan ang @cookies_PB sa Twitter, @Cookies_ph sa Instagram, at i-like ang @CookiesPeanutButter sa Facebook. Mabibili ang Cookie’s Peanut Butter sa groceries at supermarkets sa buong bansa.

http://balita.net.ph/2018/03/21/alden-tuluy-tuloy-ang-biyaya/